PH nagtala ng two-month low sa bagong kaso ng COVID-19 sa 8,292

Nagtala ang Pilipinas ng pagbagsak sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa pinakamababa matapos ang mahigit dalawang buwan sa 8,292.

Ayon sa Department of Health, ito ang smallest single-day increase ng infections simula noong Aug. 4.

Kaugnay nito, nasa 2,674,814 na ang kabuoang case count kung saan 3.7%, o 98,894 ang active.

Sa gitna nito, 74.4% ng mga kasalukuyang may sakit ay nakakaranas ng mild symptoms, 15% ang asymptomatic, 6.14% ang moderate cases, 3.2% ang severe, at 1.3% ang nasa kritikal na kondisyon.

Mababa rin ang bilang ng mga bagong fatalities sa 36, dahilan para madagdagan ang death toll sa 39,660, habang ang recoveries ay tumaas sa 2,536,260, matapos madagdagan ng 302. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *