PH, naitala ang unang 11 local cases ng Delta variant ng COVID-19

Pumalo na sa 35 ang kaso ng Delta variant COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 16 bagong kaso ng mas nakakahawang variant ng coronavirus.

Ayon sa DOH, dalawa mula sa bagong kaso ay naitala sa National Capital Region (NCR); isa mula sa Region 3; dalawa mula sa Region 6; anim mula sa Region 10; at lima ay returning OFWs.

Sa nabanggit na bilan, 15 na ang nakarekober, habang isa ang namatay.

10 sa mga kaso  ay babae na may edad 14 hanggang 79 anyos.

Dalawa naman sa Delta variant case sa mga OFWs ay may travel history mula UAE at Qatar, isa mula United Kingdom, habang ang dalawang kaso ay patuloy na inaalam ng DOH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *