PH, nakapagtala ng 20,019 new COVID-19 infections; total count at 2,080,984

Nakapagtala ang bansa ng 20,019 bagong COVID-19 infections ngayong araw, dahilan para pumalo na ang total case count sa 2,080,984.

Ayon sa Department of Health (DOH),  eto ang pangatlong sunod na araw na mahigit 20,000 ang kaso na naiuulat. 

Dahil sa bagong infections, umakyat na sa 157,438 ang active cases sa bansa.

Sa bilang na ito, 92 percent ang mild, 3.4 percent ang asymptomatic, 1.4 percent ang severe, at 0.7 percent ang nasa kritikal na kondisyon. 

Umabot naman na sa 1,889,312 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 20,089 pang pasyente.

Samantala, nasa 34,234 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa nasabing virus matapos makapagtala ang bansa ng 173 bagong fatalities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *