PH, nakapagtala ng karagdagang 80 kaso ng Omicron subvariants

Walumpung karagdagang kaso ng Omicron subvariants ang na-detect sa Pilipinas.

Batay sa latest Covid-19 biosurveillance report ng DOH, mula sa mga samples na isinailalim sa sequencing nitong June 13 , 54 na kaso rito ay inuri bilang Omicron XBB subvariant na natukoy sa Western Visayas.

Kabilang dito ang 22 kaso ng XBB.1.16; siyam na XBB.1.5; walong XBB.1.9.1; limang XBB.2.3; at apat na XBB.1.9.2.

Samantala, mayroong 25 kaso ng BA.2.3.20 —18 dito ay mula rin sa Western Visayas, at pito mula naman sa Cordillera Administrative Region.

Maalalang nitong Lunes, na-detect sa Pilipinas ang kauna-unahang kaso ng Covid-19 Omicron subvariant FE.1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *