PH, pinag-aaralan na ang pagbibigay ng incentives sa fully vaccinated vs COVID-19

Plano ng pamahalaan na bigyan ng incentives ang mga indibidwal na fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ikukunsidera ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagbibigay ng dagdag incentives para mahikayat ang mas maraming indibidwal na magpabakuna.

Aniya, kabilang sa mga posibleng incentives na ibigay ng IATF ay payagan ang mga bakunado na makalabas ng bahay at mas maikling quarantine period para sa mga biyahero.

Mababatid na kamakailan lamang ay pinaikli ng gobyerno ang quarantine period para sa fully vaccinated inbound travelers sa Pilipinas sa pitong araw mula sa dating 14.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *