PH, pinalawak pa ang travel ban sa Pakistan, Bangladesh, Nepal, Sri Lanka

Pinalawak pa ng Pilipinas ang travel ban sa gitna ng resurgence sa mga kaso ng COVID-19 para sa mga bansang Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, ang mga travelers mula sa naturang mga bansa ay hindi papayagang makapasok sa Pilipinas mula May 7 hanggang May 14.

Saklaw sa ban ang mga travelers na nagpunta ng Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka ng 14 na araw bago ang kanilang pagdating sa Pilipinas.

Matatandaan na una nang pinagbawalan ng bansa na makapasok ang mga travelers mula sa India mula April 29 hanggang May 14 sa gitna ng surge sa mga kaso ng COVID-19 sa naturang bansa na dulot ng bagong variant ng coronavirus na unang nadetect doon.

Sa gitna nito, binigyang diin naman sa memo na ang mga Pilipino at foreign passengers na dadaan lang sa India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka at Bangladesh ay exempted sa kondisyong sila ay nanatili lang sa loob ng paliparan sa buong panahon at hindi pinahintulutan ng immigration authorities na makapasok sa naturang mga bansa.

Maliban dito, hindi na rin sila required na kompletuhin ang full 14-day facility-based quarantine, basta’t magko-comply ng existing testing at quarantine protocols ng national government. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *