PH sprint queen Lydia de Vega nasa ‘very critical condition’

Nasa kritikal na kondisyon ang isa sa pinakamagaling na atleta sa kasaysayan ng Pilipinas na si Lydia de Vega.

Pagbubunyag ng anak nitong si Stephanie Mercado-de Koenigswarter na si de Vega ay nakakaranas ng komplikasyon na dulot ng Stage 4 breast cancer.

Pagbabahagi ni Mercado-de Koenigswarter, na noong 2018 nang madiagnose ang Asia’s fastest woman sa naturang sakit, at tahimik lang na lumalaban.

Sinabi pa ng anak nito na lalong lumala ang sakit ng kanyang ina sa kabila ng maraming procedures na ginawa, kabilang na rin ang brain surgery.

Si De Vega ay nananalo ng siyam na gold medals sa Southeast Asian Games at dalawang golds sa Asian Games.

Ang kanyang personal best of 11.28 seconds sa century dash ay naitala noong September 1987 sa Jakarta at nanatili hanggang sa loob ng 33 taon, hanggang sa mabasag ito ni Kristina Knott noong August 2020.

Maaalala na ang kanyang huling public appearance ay sa opening ceremony ng 2019 Southeast Asian Games na pinangunahan ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *