PH, target na mabakunahan ang ‘pediatric sector’ sa Sept o Oct

Target ng gobyerno na simulan ang pagbabakuna sa pediatric sector o mga may edad 17 pababa sa Setyembre o Oktubre.

Ayon kay vaccien czar Carlito Galvez Jr., umaasa sila na ang 29 million na pediatric sector ay mababakunahan sa naturang mga buwan.

Pero sa ngayon aniya, ang vaccination ay tutok muna sa adult population o mga taong may edad 18, pataas.

Kaugnay nito, umaasa si Galvez na makakakuha na ang Pfizer-BioNTech’s COVID-19 vaccine ng emergency use authorization (EUA) para payagan na mabakunahan ang mga may edad 12-15.

Mababatid na batay sa kasalukuyang EUA ng Pfizer, nakasaad na maari itong maiturok sa mga indibidwal na may edad 16 pataas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *