PH, tinutulan ang maling representasyon ng isang Chinese consul sa arbitral ruling

Tinutulan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isang Chinese consul dahil sa umano’y “misrepresenting facts” sa 2016 arbitral ruling na nagpawalang-bisa sa malawakang pag-angkin ng China sa South China Sea.

Saad ng DFA, kinokondena nito at inaaksyunan na ang patuloy na maling representasyon ng China sa batas at sa katotohanan.

Dagdag pa ng ahensya, parehong partido sa UNCLOS ang China at Pilipinas, kaya’t patuloy silang nananawagan na kumilos nang responsable at sumunod sa mga obligasyon nito sa ilalim ng UNCLOS at ang pinal at may-bisang 2016 Arbitral Award sa South China Sea.

Nabatid na tinawag ni Chinese Consul General to Cebu Zhang Zhen ng “ilegal, null, at void” ang desisyon ng arbitral tribunal sa The Hague, Netherlands.

Hindi rin aniya ito kailanman tatanggapin ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *