PH-US Balikatan exercise ngayong taon, isasagawa sa Batanes at Palawan

Magsisimula sa buwan ng Abril hanggang Mayo ngayong taon ang joint military exercises ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay exercise’s executive agent Colonel Michael Logico, isa sa napiling lokasyon ang Batanes habang magsasagawa rin ng maritime exercises sa Palawan.

Habang magsasgawa rin ng integrated air missile defense exercises sa Central Luzon.

Inaasahan din ang paglahok ng Australian Defense Force at gayundin ng French Navy.

Sa balikatan ngayong taon, makakasama ng militar ang Philippine Coast Guard at Philippine National Police.

Noong nakaraang taong balikantan exercise, nilahukan ng halos 18 libong mga sundalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *