PH, US palalakasin ang multilateral coordination kasama ang mga allied countries

Nagkasundo ang Pilipinas at Estados Unidos na palakasin ang kanilang bilateral at multilateral coordination sa mga kaalyado nitong bansa.

Ito ang naging resulta ng pag-uusap sa pamamagitan ng telepono nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at US Defense Secretary Lloyd J. Austin III sa gitna ng lumalalang agression ng China sa West Philippine Sea.

Batay sa impormasyon mula kay Pentagon Press Secretary Maj. Gen. Pat Ryder, ipinunto ni Austin na nananatiling matatag ang pangako ng US sa Pilipinas sa pagtatanggol sa sovereign rights nito alinsunod sa international law.

Maaalalang, ilang bansa kabilang ang US, Australia, Japan, at Canada ay nagpahayag ng suporta sa Pilipinas at pinuna ang kamakailang mga aksyon ng China sa WPS.

Samantala, pinuri rin ni Austin ang professionalism ng Armed Forces of the Philippines sa harap ng iligal na pagkilos ng mga pwersa ng China sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *