Phantom of the Opera actor, pumanaw na sa edad na 34

Namayapa na ang sikat na stage performer at opera singer na si Quentin Oliver Lee, matapos makipaglaban sa stage 4 colon cancer.

Matatandaan na ibinahagi ng aktor na na-diagnose siya sa sakit noong June.

“It was the most beautiful moment of my life. I saw his last breaths, held his hand tight, and felt his heartbeat slowly drift away.” sabi ng asawa ni Quentin na si Angie Lee Graham sa isang Instagram post.

Inilarawan naman ni Samantha ang kanyang ama bilang ‘incredible’ husband and father.

Nagdadalamhati naman ang buong broadway community sa pagkawala ng stage performer.

Kilala si Lee sa mahusay niyang pagganap sa Phantom of the Opera. // SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *