PhilHealth bukas sa mungkahi na suspendihin na muna ang premium hike

Tiniyak ng PhilHealth na hindi sarado ang kanilang pintuan para sa mga mungkahing suspendihin na muna ang pagtataas sa premium payments ng mga minimum wage earners.

Ito ay makaraang isulong ng isang mambabats sa Kamara ang suspension nito.

Sa isang panayam – sinabi ni PhilHealth spokesperson Rey Baleña na kung sila ang tatanungin – maganda pa nga itong proposal.

Aniya, ‘di naman nila tututulan ang mga hakbang apra mapagaan ang buhay ng mga Pilipino.

Sa ngayon, kaialngan pa raw nila itong araling maigi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *