OLONGAPO- Ipinaliwanag ng Philippine Health Insurance Corporation Olongapo ang kasalukuyang nakapaloob sa testing packages nito.
Kabilang dito ang RT-PCR kung saan pwedeng makapag-avail ng mula sa 901 pesos hanggang sa 3,409.
Depende kung ang lahat ng serbisyo sa testing ay nanggaling sa testing laboratory, galing sa donasyon ang test kit na ginamit o kaya naman ay pinapatakbo ba ng gobyerno ang laboratoryo pero mula sa donasyon ang test kits.
Isa pa sa package ay ang tinatawag na Cartidge-based PCR kung saan ang halaga na pwedeng ma-aavail ay mula 1,059 hanggang 2,287.
Ang programang ito ay para sa mga kwalipikadong myembro ng Philhealth.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
![May be an image of text that says 'STRONG HEALTH, HARDWORK, AND DETERMINATION YOU CAN DO IT! ASCORBIC ACID CaumAate) Ascorbate) GUARD-C'](https://scontent.fcrk3-1.fna.fbcdn.net/v/t1.6435-9/165351184_2989606591309412_8731760023698242292_n.jpg?_nc_cat=108&ccb=1-3&_nc_sid=730e14&_nc_eui2=AeGzFSGKGi-1K02Yyf8XupX4PnAdQSzlraA-cB1BLOWtoOa5yDJGzP9ipnV2-O5WwBChYqoCDggmQbf7iMgbcGtK&_nc_ohc=CPWOPPWnnDEAX-pW5rb&_nc_ht=scontent.fcrk3-1.fna&oh=8ed7309f8061b906e865be3c15918306&oe=60E5A239)