Philippine Army gagamitin ang lahat ng legal remedies kaugnay ng pagbaliktad ng 2 aktibista na sila ay umano’y dinukot ng militar

Gagamit ng lahat ng legal remedies ang Philippine Army kaugnay ng pagbaliktad ng dalawang environmentalist na sina Jhed Tamano at Jonila Castro at sinabing sila’y dinukot umano ng militar.

Ayon kay Philippine Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad, masakit man umanong aminin, sila ay naloko.

In good faith aniya ang pagbibigay nila ng serbisyo at proteksyon lalo na sa mga rebeldeng gustong magbagong buhay at magbalik-loob sa pamahalaan.

Patuloy aniya ang kanilang paninindigan na walang pagdukot na nangyari base sa kanilang mga sinumpaang salaysay na sila mismo ang nagsabi na tumakas sila sa kanilang grupo at nagbabalak magbalik-loob sa gobyerno.

Samantala, mariing pinabulaanan ng NTF-ELCAC ang alegasyon na under duress ang pagbibigay ng salaysay ng dalawang aktibista tungkol sa bolunyaryong pagsuko nila sa pamahalaan.

Malinaw aniya na ang pagsisinungaling ng dalawa ay may malisya para ipahiya ang pamahalaan, Armed Forces of the Philippines (AFP) , at ang NTF-ELCAC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *