Philippine Coast Guard positibo sa ibubunga ng mga isinasagawang serye ng Maritime Stakeholders Meeting sa iba’t- ibang lalawigan sa Bicol

CAMARINES NORTE- Kumpiyansa ang Philippine Coast Guard sa positibong ibubunga ng mga isinasagawang serye ng Maritime Stakeholders Meeting sa iba’t- ibang lalawigan sa Bicol.

Kahapon ay ginawa ito sa Daet, Camarines Norte na dinaluhan ng mga resort owners, samahan ng maliliit na mangingisda, tourism sector at iba pang stakeholders.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Commodore Angel Viliran, Commander ng Coast Guard District Bicol sinabi nitong bago sa rehiyon ang Maritime Stakeholders Meeting.

Una umano itong ginawa sa Sorsogon, Catanduanes at kahapaon ay sa Camarines Norte habang susunod naman sa Camarines Sur at Masbate.

Ayon kay Viliran ginagawa ang mga ganitong serye ng consultation upang alamin ang mga issues and concern ng iba’t- ibang stakeholders upang pag usapan at solusyunan ang mga problema.

This is a series of consultation para sa ganun we will have this, get the feel sa anumang issues and concerns ng ating mga stakeholders like mga ship owners, boat operators mga fishermen, mga bangkero natin na hindi masyadong nabibigyan ng pansin and at the same time yung mga port users, ani Viliran.

“So lahat ito gina- gather natin sila, interest groups para malaman natin kung ano yung kanilang kailangan at ano yung pwede nating maibigay na solusyon tulad dito sa nagyari ngayon.”

Kabilang sa mga natalakay kahapon ay ang problema ng mga maliliit na mangingisda tulad ng illegal fishing activity sa kani- kanilang lugar, boat registration at iba pang mga bagay na nakakaapekto sa kanilang hanapbuhay.

Pinag usapan din ang problema ng mga resort owners, issues and concern sa Calaguas island at marami pang iba.

Presente rin sa aktibidad sina Provincial Legal Officer Atty Don Culvera, Provincial Tourism Officer Bong Palma, at ang mga kinatawan mula sa Philippine Ports Authority Bicol at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Dagdag pa ni Viliran na tuloy- tuloy din ang kanilang ginagawang Safety, Security and Environmental Numbering System (SSEN) ng mga bangka.

Layon ng programa na mapahusay ang environmental protection, safety and security sa buong bansa.

Makakatulong din ang sistemang ito sa mabilisang pagtukoy sa kinaroroonan ng bangka sakaling magkaroon ng aberya dahil mabilis itong ma- identify sa pamamagitan ng numbering system.

“Dito sa Cam Norte, I believe more than one hunded percent ng bangka naman dito ay compliant na, may number system na sila, so in case na may mangyayari madali silang ma identify.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *