Philippine envoy, kumpyansang aaprubahan ng Pangulo ang bagong VFA

Kumpyansa si Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez na susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinaigting at pinalakas na Visiting Forces Agreement ng Pilipinas at US.

Ayon kay Romualdez, nagkaroon ng maraming improvements ang nasabing kasunduan matapos ang ilang linggong negosasyon ng Pilipinas at US.

Iginiit ng Philippine envoy na talagang pinaglaanan ito ng oras ng parehong bansa.

Binigyang diin naman ni Romualdez na ang VFA ay isang mahalagang kasunduan na bahagi ng bigger picture ng relasyon ng dalawang bansa at ng Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at U.S.

Matatandaan noong nakaraang taon ay inutos ng Pangulo ang abrogation ng anim na pu’t siyam na taong kasunduan kasama ang Washington, matapos magdesisyon ang US na i-revoke ang visa ng kaalyado ng Pangulo na si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Nagpadala ang Pilipinas ng official letter of termination sa US noong February 11, 2020 ngunit noong November 2020, ay sinuspindi ng Pangulo ang abrogation ng kasunduan sa gitna ng tensyon  sa pinagtatalunang South China Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *