Philippine Export Dev’t Plan – aprubado na ni Pangulong Bongbong Marcos

Umaasang mas lalakas pa ang bilang ng mga exports ng bansa.

Ito ay makaraang maaprubahan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang Philippine Export Development Plan 2023-2028 na nilikha ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Trade Sec. Fred Pascual na ang naturang plano ay ang magsisilbing malinaw na direksyon ng pamahalaan para sa bagong bihis ng ating exportation.

Layunin nitong matugunan ang iba’t ibang pagsubok sa ekonomiya at exports kung asan – posible pang maging isang ‘export powerhouse’ ang bansa.

Sa loob nito, mayroong apat na mga priority clusters kabilang na ang industrial machinery and transport; technology, media and telecommunications; health and life sciences; at modern basic needs ng isang resilient economy; pati na rin ang food and energy security. //LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *