Philippine Identification System Step 2 Registration nagpapatuloy ngayong araw sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Patuloy ngayong araw ang Philippine Identification System Registration Center sa bayan ng Daet na isinasagawa sa 3rd Floor, New Municipal Hall Building, sa Barangay Pamorangon, simula alas 7 hanggang alas 5 ng hapon.

Lahat ng nakatapos na ng Step 1 (Pre-registration) o pagkuha ng demographic data sa pamamagitan ng pag fill-up sa Electronic Philsys Forms ay maaari ng magtungo sa Registration Center para sa Step 2 Registration proper upang magprisinta  ng mga supporting documents, validation ng demographic data at pagkuha ng biometric data batay sa schedule ng barangay.

Pinapaalalahanan naman ng LGU ang lahat ng magpaparehistro na sundin ang ipinatutupad na health protocol, Magsuot ng face mask at face shield at panatilihin ang social distancing.

(photo courtesy: Daet MIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *