Philippine Navy, tiniyak ang aksyon para sa mga WPS issues

Tiniyak ng Philippine Navy na gumagawa sila ng hakbang upang matugunan ang foreign interference sa mga misyon ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea , Commodore Roy Vincent Trinidad , ang aksyon ay bilang tugon sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos mabahala sa lumalawak na presensya ng mga Chinese vessels sa WPS.

Sinuportahan din Commodore Trinidad ang pahayag ng Pangulo at sinabi na palaging cause of concern ang presensya ng mga dayuhang barko sa karagatan ng bansa na hindi naayon sa United Nations Convention on the Law of the Seas o UNCLOS.

Nauna nang kinumpirma ni Trinidad na 3 hanggang 4 na taon nang nararanasan ng Navy ang cyber interference sa WPS kapag mayroong resupply mission.

Gayunman, hindi nila makumpirma na galing ito sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *