Philippine Navy, suportado ang isinusulong na imbestigasyon sa umano’y cyanide fishing

Suportado ng Philippine Navy ang isinusulong na imbestigasyon ng Senado sa umano’y cyanide fishing sa Bajo de Masinloc.

Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, mandato nilang pangalagaan ang kalikasan kaya welcome sa kanila ang imbestigasyon.

Sabi ni Commodore Trinidad, tatalima sila sa rules of engagement at international law at makikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan para sa imbestigasyon.

Samantala, hindi pa masabi ng Navy kung matatawag nang environmental terrorism ang umano’y paggamit ng cyanide ng mga banyagang mangingisda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *