Philippine Red Cross, nagsagawa ng simulation exercises para paghandaan ang ‘The Big One’

Nagsagawa ang Philippine Red Cross (PRC) katuwang ang Malabon LGU ng isang ‘mass-casualty’ exercises.

Ito ay para paghandaan ang magiging pagresponde sa isang large-scale disaster kabilang na ang pinangangambahang ‘The Big One’, ‘o ‘yung pagtama ng malakas na lindol sa Greater Manila.

Ayon kay PRC chairperson Dick Gordon – nag-simulate sila ng isang 6.8 magnitude na lindol para makita ang kahandaan ng mga responders, LGUs, at iba pa pagdating sa mga ‘Mass Casualty Incidents’ o MCIs.

Layunin aniya ng pagsasanay na ma-evaluate ang emergency response system ng bansa at matutukoy ang mga areas na kailangan pang i-modify.

Kung maaalala – sa scenario ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang aabot ng hanggang sa 60,000 ang bilang ng masasawi; at hanggang 120,000 ang missing sakali mang tumama ang isang 7.2 magnitude quake sa Metro Manila.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *