Philippine Stock Exchange index, bumulusok pababa kasunod ng inisyal na resulta ng halalan

Pulado ang pagbubukas ng Philippine Stock Exchange kaninang umaga sa kalagitnaan ng paglalabas ng partial and unofficial tally ng Commission on Elections para sa halalan 2022.

Sa pagbubukas ng trading, 1.89% na mas mababa ang PSE index o 6,632.35.

Mas mababa ito ng 127.55 points mula sa nakaraang araw ng trading.

Naniniwala ang ilang analyst na ang ‘sell-off’ sa mga stocks na naka-lista sa PSE ay may kinalaman sa resulta ng halalan.

Pero para kay COL Financial Vice President April Lee Tan, ang naturang pagbaba ng PSEi ay epekto pa rin ng global market performance at hindi ng resulta ng eleksyon.

Mababatid na ang PSE index ay ang main index ng Philippine Stock Exchange o katumbas at sumatutal ng lahat ng 30 listed companies.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *