Philippine trade deficit, lalo pang lumawak sa $3.677 billion noong November 2022

Lalo pang lumawak ang trade deficit ng Pilipinas noong Nobyembre, sa kabila nga mga contracted imports, at pagkakatala ng double-digit growth sa exports.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang balance of trade in goods (BoT-G) ay nagtala ng $3.677-billion deficit ng naturang buwan, na mas malawak kumpara sa $3.312-billion deficit noong Oktubre, peromas maiksi sa $4.710-billion deficit sa kaparehong buwan noong 2021.

Ang kabuoang external trade para sa naturang buwan ay nagkakahalaga sa $17.878 billion, na sumasalamin sa 3.6% increase mula sa $17.257 billion noong November 2021, pero mas mababa kumpara sa $18.734 billion noong October. Mula sa kabuoang external trade, ang imported goods ay binubuo ng 60.3% o $10.777 billion, na mababa sa 1.9% kumpara sa $10.984 billion noong nakaraang taon, at bagsak mula $11.023 billion ng naunang buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *