PHILSYS registration ng National ID nasa 50% pa lamang simula nang umarangkada noong nakaraang linggo

LEBAK- NASA 50% ng mga registrants na mula ng umarangkada ang PHILSYS registration ng National ID noong nakaraang linggo.

Kung dati ay nasa 60 registrants kada-araw lang ngayon humigit kumulang nasa mahigit isang 100 registrants dahil dalawang Registration Kits na ang gumagana na dati ay isang lang.

Ayon kay MJ Jumawan a impormasyong kanyang ibinigay pitong (7) priority Barangays pa lamang para sa taong 2021 ang napiling ipasok sa prayoridad dahil ito ang may pinakamataas na incidents ng low income.

Kinabibilangan ng Barangay sa Keytodac, Basak, Salangsang, Christianuevo, Bolebak, Nuling at Poblacion lll.

Samantalang ang layon nito ay mabigyan ng single identification sa lahat ng kwalipikadong mamamayan kasama na ang resident alien sa bansang Pilipinas.

Ang PHILSYS Registration ng National ID ay ginaganap sa Lebak Land Transport Complex (Public Terminal) na matatagpuan sa likod ng Sultan Kudarat Provincial Hospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *