PHIVOLCS, nag-abiso sa mga lugar sa Albay kaugnay ng banta ng lahar dahil sa posibleng ulan na taglay ng LPA

LEGAZPI CITY – Nag-abiso ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa publiko partikular sa mga lugar sa lalawigan ng Albay kaugnay ng banta ng lahar dahil sa posibleng ulan na taglay ng kasulukuyang low pressure area (LPA).

Nakasaad sa ipinalabas na advisory ng tanggapan na maging maingat at handa dahil sa LPA na posibleng mabuo bilang isang tropical depression o mahinang bagyo na tatawaging “Egay.”

Inaasahan itong magtataglay ng malakas na pag-ulan na posibleng magdulot ng syn-eruption lahar sa mga major channels ng Bulkang Mayon.

Ayon pa sa PHIVOLCS, ang bulto ng mga ‘erodible PDC deposits’ ngayon ay naipon lamang umano sa mga watershed areas ng Mi-isi, Bonga at Basud channels.

Pinag-iingat naman ang mga lugar sa lalawigan kabilang na ang Mi-isi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matanag, at Basud Channels, dahil sa potensyal na lahar at sediment-laden stream flows sa lahat ng mga river channels ng mga nabanggit na lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *