PHIVOLCS, nilinaw na ‘di nila inirekomendang pabalikin ang Mayon evacuees sa 6km PDZ

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi nila inirekomendang pabalikin na ang mga pamilyang evacuees ng Bulkang Mayon sa 6 kilometers permanent danger zone.

Kasunod ito ng kamakailang decampment advisory sa mga evacuees mula sa nasabing PDZ na inilabas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) noong Oktubre 5.

Subalit sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PHIVOLCS Resident Volcanologist Dr. Paul Alanis, sinabi niya na wala silang rekomedasyong pabalikin ang mga ito o papasukin sa nasabing PDZ sapagkat hindi pa nila ibinababa ang alert level status ng bulkan dahil delikado pa ito lalo’t binabantayan pa rin ang mga uson.

Ngunit, aniya, desisyon pa rin ito ng PDRRMC dahil recommendatory agency lamang ang PHIVOLCS kaya’t nasa kamay pa rin ng lalawigan ang magiging desisyon.

Ngayon ay tiniyak naman ni Alanis na nagpapatuloy ang monitoring nila sa bulkan.

Samantala, sinabi naman ni Gov. Atty. Edcel Grex Lagman na ang kanilang decampment advisory sa mga bakwit ay science-based at alinsunod sa mga verifiable na mga datos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *