PHL Azkals, handball, binuksan ang SEA Games campaign ng mga panalo

Parehong panalo ang Philippine Azkals at ang Philippine beach handball team, para buksan ang kampanya ng bansa sa Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.

Kaugnay nito, tinalo ng Azkals U-23 ang Timor-Leste sa 4-0, sa Group A ng men’s preliminary round.

Sina Christian Rontini (11′), Dennis Chung (56′), Jovin Bedic (78′) at Oskari Kekkonen (81′) ang naka-iskor ng goals para sa national team.

Sunod naman na makikita sa aksyon ang Azkals sa Linggo, kung saan makakaharap nila ang Vietnam.

Samantala, ang Philippine national handball team naman ay natalo ang Thailand, sa 18-16, 18-16sa unang laro ng bansa sa biennial meet.

Kaugnay nito, sa Linggo rin makikita ang aksyon ng mga Filipino kickboxers.

Ang SEA Games ay opisyal na magbubukas sa May 12.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *