PHO Camarines Norte puspusan pa rin ang kampanya para maabot ang ‘herd immunity’

Puspusan pa rin ngayon ang kampanya ng Provincial Health Office para mas marami pa ang mabakunahan kontra COVID- 19.

Ngayong araw, April 25 ay muling magsasagawa National Vaccinations Days hanggang bukas batay sa inilabas na advisory ng National Vaccination Operation Center.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco layon umano ng national vaccination days na hikayatin at abutin ang mga hindi pa bakunado para maabot na ng lalawigan ang herd immunity.

Sa ngayon ay nasa 67 porsiento pa lang ang total accomplishment ng Camarines Norte sa COVID- 19 vaccination.

Kailangan umano na 80 porsiento ng target population ay mabakunahan para maabot ang herd immunity.

Ito ay upang ibaba na rin sa Alert Level 1 ang lalawigan na nasa ilalim pa rin ngayon ng Alert Level 2 maliban sa bayan ng Daet at San Vicente.

Kailangan din na 80 porsiento ng mga senior citizen ay mabakunahan na.

Gayunman aminado si Francisco na dahil sa vaccine hesitancy at ang iba ay ayaw talagang magpabakuna ay nahihirapan ang probinsiya maabot ang herd immunity kahit araw- arawin pa aniya ang adbokasiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *