PHO nagpasalamat sa simbahan dahil sa suporta nito sa vaccination program

CAMARINES NORTE – Nagpasalamat ang Provincial Health Office (PHO) sa pamunuan ng Diocese of Daet dahil sa suporta nito sa vaccination program ng pamahalaan.

Sa gitna kasi ng pag- aalinlangan ng marami ay tumutulong ngayon ang simbahan na himukin ang mga tao na magpabakuna.

Isa nga sa masigasig sa pagkumbinsi sa mga tao ay si Bishop Rex Andrew Alarcon na nakatanggap na rin ng unang dose ng COVID- 19 vaccine.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sinabi nito na hindi na bago ang pagtulong ng simbahan dahil kahit sa kampanya na masugpo ang human immunodeficiency virus (HIV) ay kasama na umano nila ito.

Sa katunayan ay bumuo umano ng isang komite ang simbahan na tutugon sa pangangailangan ng mga taong nagpopositibo sa HIV.

Ayon kay Francisco hindi lang ang COVID- 19 ang pandemya ngayon kundi ang HIV at kasama na umano nila dito ang Diocese of Daet sa kampanyang masugpo ito.

“Very thankful on my part na ang simbahan ay helpful dito sa ating pagmomonitor at pagkontrol ng COVID- 19,” ani Francisco.

Batay sa pinakahuling datos mula sa Provincial Health Office (PHO) umaabot na sa mahigit 7, 600 ang kabuuang doses na naituturok na bakuna.

Nasa 6, 940 ang first dose habang mahigit naman sa 700 ang second dose na ngayon ay nagpapatuloy.

March 17 nang mag- umpisa ang vaccination rollout sa probinsiya makaraang dumating ang unang tranche ng 283 vials ng AstraZeneca vaccine.

Sa ngayon dalawang second tranche na ng AstraZeneca vaccine ang dumating habang sa Sinovac naman ay nasa anim na tranche na at mayroong bagong dating na 2, 880.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *