PHO pinawi ang pangamba ng publiko kaugnay sa pertussis outbreak sa ilang lugar sa bansa

CAMARINES NORTE – Pinawi ng Provincial Health Office ang pangamba ng publiko kaugnay sa “pertussis outbreak” sa ilang mga lugar sa bansa.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, sa ngayon ay wala pa silang naitatalang kaso ng ‘pertussis’ o ­whooping cough sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kasunod yan ng pagkakaroon ng outbreak sa Quezon City at may mga naitala na ring kaso sa Iloilo at iba pang lugar sa bansa.

Paliwanag ni Francisco na kadalasang “prone” sa sakit na ang mga bata.

Pero dahil mayroon namang bakuna kontra pertussis ay papaigtingin na lang umano ng PHO ang pagbabakuna at target umano ng opisina na mabkunahan ang 95 % ng mga bata.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Francisco ang publiko na  sundin ang tamang respiratory hygiene lalo na kapag umuubo, at ugaliin pa rin ang tamang pag-iingat gaya ng regular na paghuhugas ng kamay maging ang pagsusuot ng face mask.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *