PHO planong makipag ugnayan sa DepEd upang pag usapan ang sitwasyon ng mga estudyante sa eskwelahan ngayong matindi ang init ng panahon

CAMARINES NORTE- Plano ngayon ng Provincial Health Office na makipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) para pag usapan ang sitwasyon ng mga estudyante sa eskwelahan sa gitna ng nararanasang matinding init ng panahon.

Ayon kay Provincial  Health Officer Dr. Arnel Francisco kakausapin niya si Schools Division Superintendent Crestito Morcilla tungkol dito hindi upang hikayatin ito na mag blended learning kundi upang pag usapan kung ano ang higit na makabubuti sa mga estudyante.

Paliwanag ni Francisco hindi niya pwedeng pangunahan ang Division Superintendent lalo na ang mga private schools.

Kung tutuusin nga aniya ay naghahabol ng panahon ang DepEd  dahil hindi nagkaroon ng face-to-face classes nitong mga nagdaang taon dahil sa COVID- 19.

Paalala naman ni Francisco lalo na sa mga magulang na painumin ng sapat na tubig ang kanilang mga anak upang hindi sila ma- dehydrate.

Sa sobra kasing init ng panahon ay posible umanong mag-collapse ang estudyante  dahil sa dehydration

Una nang iginiit ng DepEd na pinapayagan ang mga eskwelahan na mag-shift sa alternative delivery modes (ADMs) kung hindi conducive ang learning environment dahil sa init ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *