Photographer sa Italy, nakunan ang isang pambihirang tagpo na itinuturing ding  “Astronomy Picture Of The Day”

Nakunan ng isang italyanong maniniyot ang isang pambihirang pagkakataon ang itinuturing ngayong  “Astronomy Picture of the Day” matapos maaktuhang nakalinya ang buwan sa likod ng estraktura at bundok.

Kinilalang si Valerio Minato ang natatanging photographer na nakapitik ng isang “one-in-a-million” lunar alignment.

Sa kanyang Instagram account ibinahagi ni Minato na may caption sa post ng “Superga and Monviso had an unforgettable date with Luna.

Ikinatuwa naman ito ng mga netizens pati ng mga Selenophile o ‘yung mga taong gusto ang buwan.

Sa ngayon umani na ng sandamakmak na reaksiyon at komento ang naturang IG Post. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *