PHP5M halaga, ilalaan para sa pambili ng mga gulay at iba pang pangangailangan ng mga apektadong magsasaka dahil sa banta ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Maglalaan ang Pamahalaabg Panlalawigan ng Albay ng pondong nagkakahalagang PHP5M para sa mga magsasakang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ito ay kinumpirma ng pamahalaan sa pangunguna ni Governor Atty. Edcel “Grex” Lagman sa isinagawang Press Briefing kahapon kasama si Department of Interior and Local Government Secretary Benjur Abalos.

Ang pondo umanong ito ay gagamitin para sa pambili ng mga gulay at iba pang mga pangangailangan ng mga magsasaka sa lalawigan na nakatira sa 6km permanent danger zone.

Una na ring sinabi ng Albay Provincial Agricultures Office na 5,000 mga magsasaka ang apektado ng kasalukuyang sitwasyon ng bulkan sa lalawigan.

Sa pagpupulong kasama si Abalos, inihayag din na sila ay magbibigay ng asistensya para sa mga magsasaka lalung-lalo na ang mga nasa evacuation centers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *