Physical distancing sa Traslacion 2024 – ipatutupad ng PNP

Susubukan umano ng Philippine National Police na magpatupad ng physical distancing sa mga natukoy na controlled areas sa harap ng Quiapo Church kaugnay ng Traslacion 2024.

Paliwanag ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ang pagpapatupad ng physical distancing ay para magkaroon ng lugar o espasyo ang mga security personnel na makakilos at maipatupad ang seguridad sa gitna ng inaasahang malaking bilang ng mga deboto na dadalo sa aktibidad.

Samantala, walang namomonitor na seryosong banta sa seguridad ang PNP para sa malaking okasyon na muling isasagawa matapos ang pandemya.

Mahigit dalawang milyong mga deboto ang aasahang makikibahagi sa Traslacion 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *