PI, ‘di raw malabong magdulot ng pagkabuhay ng destabilization plot

Umaasa si Senate Deputy Majority Floor Leader, Senator JV Ejercito ng agarang solusyon sa mas tumitinding isyu ng pag-amyenda sa konstitusyon gamit ang people’s initiative (PI).

Ayon kay Ejercito, kung ‘di raw kase ito agad matutugunan ay maari nitong painitin pa lalo ang nabubuong political bickering.

Dagdag pa niya, possible ring magamit ang PI bilang mitsa sa muling pagkabuhay ng destabilization plot o planong pagpapabagsak sa kasalukuyang administrasyon.

Kung mangyayari ito, tiyak niyang makakapekto ito sa stability ng ekonomiya at mahihirapan ang bansa na makabangon mula rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *