Pilay na nakasaklay biglang tumakbo?

Aakalain mong may himala matapos na biglang makatakbo ang isang lalaking nakasaklay sa may EDSA carousel bus way para habulin ang isang marshal na nanita sa kanya.

Viral ngayon ang video nito na ini-upload ng Interagency council for traffic (I-ACT) kung saan makikitang sinusundan ng marshal ang lalaki at pinagsasabihan.

Pero bigla itong naglabas ng patalim kung kaya binalaan ito ng marshal na ibaba ang kutsilyo.

Nang malapit na itong masukol ay bigla nitong binitawan ang saklay, mistulang nakalimutan ang kapansanan at mabilis na tumakbo para habulin ng patalim ang marshal.

Ayon sa marshal na si Seaman 2nd Julius Abundol ng Philippine Coastguard, sinita niya ito dahil sa reklamo ng ilang commuters na nangmumura umano at naglalabas ng patalim kapag hindi binibigyan ng limos.

Nakilala ang lalaki sa pangalang Ariel na ayon sa I-ACT pagala-gala sa EDSA carousel bus way at namamalimos, nangmumura ng mga pasahero at nambabato ng bus na tila wala sa katinuan.

Walang himala, dahil ang lalaking pilay na inakalang himalang nakatakbo ay nagpipilay-pilayan lang pala.# || Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *