Pili, malaki ang potensyal sa lalawigan – DTI Sorsogon

Naniniwala ang Department of Trade and Industry Sorsogon Provincial Office na malaki ang potensyal ng pili sa Sorsogon.

Ayon kay Meynard Doluntap Jr. ng DTI Sorsogon Business Development Division sa katunayan ang lalawigan ang may pinakamataas na produksyon ng pili sa buong Bicol Region na umaabot umano sa 89% batay na rin sa datos ng Deparment of Agriculture.

Ito rin umano ang dahilan kung bakit adbokasiya nila na hindi na mailabas pa mula sa probinsya ang mga raw material nito at maproseso na ito dito mismo sa lalawigan upang higit na mapagkakitaan.

Aniya, kahit kasi mahal ang kilo nito ngayon kung dito naman ito mapoproseso ay talagang kikita pa rin, at upang higit na matutukan ang nasabing industriya at mas maraming mahikayat na mag engage sa pili processing, sinabi ni Dolontap na patuloy ang kanilang pagbibigay ng training para rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *