Pilipinas at Vietnam, palalakasin ang kooperasyon ng PCG at Vietnam Coastguard

Isa sa napagkasunduan sa bilateral meeting nina Pangulong Bongbong Marcos at Vietnam President Vo Van Thuong ang pagpapalakas sa kooperasyon ng Philippine Coast Guard at Vietnam Coastguard.

Kabilang dito ang Understanding on Incident Prevention and Management in the South China Sea at Memorandum of Understanding between the Philippine Coast Guard (PCG) and the Viet Nam Coast Guard (VCG) on Maritime Cooperation.

Sa ilalim ng incident prevention at management, nagkasundo ang dalawang bansa na palakasin ang koordinasyon hinggil sa maritime issue sa pamamagitan ng bilateral na paraan, sa loob ng ASEAN, at mga dialogue partner na may pagsisikap na isulong ang pagtitiwala, kumpyansa at pagkakaunawaan sa pamamagitan ng dayalogo at cooperative activities.

Habang ang MOU naman sa maritime cooperation ay may layuning palakasin ang pag-unawa, mutual trust, at kumpiyansa sa pagitan ng dalawang panig sa pamamagitan ng pagbuo ng isang Joint Coast Guard Committee upang talakayin ang mga karaniwang isyu at interes sa pagitan ng PCG at VCG.

Nagkasundo rin ang dalawang bansa na magtatatag ng hotline communication mechanism sa pagitan ng PCG at VCG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *