Pilipinas, Australia at New Zealand, lumagda sa Free Trade Agreement

Lumagda ang Pilipinas, Australia at New Zealand sa second protocol ng Free Trade Agreement o ang AANZFTA.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa leader’s plenary sa ASEAN-Australia Special Summit, ipinahayag niya ang kanyang tiwala na ang AANZFTA ang magiging tugon sa mga bagong hamon sa business environment at magpapalakas ng supply chain resilience, kasabay ng pagsusulong sa pamumuhunan at sustainable development.

Nakapokus ang kasunduan sa pagpapadali ng partisipasyon ng Micro, Small, Medium Enterprises o MSMEs sa pandaigdigang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kanilang access sa merkado at global value chains, at pagtataguyod ng paggamit ng e-commerce.

Samantala, winelcome din ng Pangulo ang Australia’s Southeast Asia Economic Strategy 2040, na naglalayong palawakin ang economic ties ng ASEAN at Australia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *