Pilipinas, balik sa ulit sa ‘low risk’ para sa COVID-19 -DOH

Ibinalik na sa “low risk” ang COVID-19 classification ng Pilipinas sa harap ng pagbaba ng mga kaso.

Ayon kasi sa Department of Health (DOH), nasa 3,521 ang average daily cases ng Pilipinas mula Pebrero 8 hanggang 14, mas mababa nang 56 porsiyento kompara sa sinundang linggo.

Karamihan din umano sa mga rehiyon ay “low risk” na, maliban sa Cordillera Administrative Region, Western Visayas, Davao Region at Soccsksargen na “moderate risk” pa rin.

Kung mapapanatili ang kasalukuyang pagsunod sa health standards, posibleng bumaba sa 83 cases per day ang maitalang kaso pagsapit ng Marso 15.

Kapag bumaba nang 12 porsiyento ang pagsunod sa health standards, aabot sa 2,077 cases per day ang maaaring makita. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *