Pilipinas, handang tugunan ang anumang pagtatangkang hatiin ang bansa

Handa ang gobyerno ng Pilipinas na gumamit ng “awtoridad at pwersa” laban sa mga pagtatangka na hatiin ang bansa.

Ito ang iginiit ni National security adviser Eduardo Año matapos magbanta si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay ang ilang isla sa katimugang bahagi ng kapuluan.

Aniya, ang anumang pagtatangka ng paghihiwalay sa Mindanao ay matutugunan ng gobyerno nang may determinadong puwersa

Ipinaliwanag ni Año na maaari kasing mabaliktad ang mga kasunduan sa kapayapaan ng gobyerno sa mga dating grupong separatista.

Samantala, sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Romeo Brawner sa mga sundalo na manatiling nagkakaisa at tapat sa konstitusyon at sa chain of command.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *