Pilipinas, Japan magkakaroon ng VFA agreement

Napagkasunduan ng Pilipinas at Japan na magkaroon ng Reciprocal Access Agreement na magsusulong ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa harap ng tumitinding tensiyon sa South China Sea.

Sinabi nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palalakasin nila ang ugnayan sa depensa at suguridad ng dalawang bansa.

Inaasahang magsisimula ang negosasyon sa lalong madaling panahon upang matugunan ang problema at tension sa South China Sea.

Sinang-ayunan din ni Kishida ang inihayag  ng pangulo para sa RAA at nagkasundong mas paigtingin ang trilateral cooperation sa pagitan ng Japan, Pilipinas at Amerika.

Ang RAA ay bilateral defense security agreement ng Japan sa mga kaalyadong bansa para ibahagi ang kanilang military training at operations sa malaking joint exercises.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *