Pilipinas, kinondena ang mga paratang ng China hinggil sa insidente sa WPS

Mariing kinondena ng Pilipinas ang mga paratang ng China hinggil sa panibagong aggression ng Chinese Coast Guard sa resupply mission sa West Philippine Sea.

Ayon sa Philippine Coast Guard, walang katotohanan ang mga akusasyon ng China sa Pilipinas.

Sinabi pa ng PCG na walang imbidensya ang China sa mga akusasyon nito sa bansa.

Naghain naman ng diplomatic protest ang Pilipinas sa ginawa ng China na 55 na ngayong taon.

Dagdag naman ni Department of National Defense Sec. Gilbert Teodoro na tigilan na ng China ang pagsisinungaling at pag-iimbento ng kwento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *