Inanunsyo ng MalacaƱang na naglaan ang Pilipinas ng mahigit P240-billion na pondo para sa COVID-19 response ng gobyerno sa proposed 2022 budget.
Magiging bahagi ito ng mahigit P5-trillion na National Expenditure Program, na ipapasa sa Kongreso sa Lunes, August 23.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na matatanggap ng Department of Education ang P99-billion, na pinakamalaking bahagi ng pondo, para sa flexible learning options, textbooks, at iba pang instructional materials, at school operations.
Kasunod nito ang Department of Health na makakatanggap ng P93-billion para sa health facilities, ayuda sa indigent patients, procuremenet ng supplies, at iba pa.
Mapupunta naman sa Department of Labor and Employment ang P33.6-billion para sa displaced workers, Government Internship Program, livelihood programs, at adjustment measures program.
Nilinaw naman ni Roque na preliminary pa lang ito at pwede pang mabago ng Kongreso.