Pilipinas, masiglang sinimulan ang 2024 AFC U-17 Women’s Asian Cup

Masiglang sinimulan ng Philippine women’s under-17 national team ang 2024 AFC U-17 Women’s Asian Cup.

Ito’y matapos talunin ng mga kabataang Pilipina ang host nation na Indonesia, sa 6-1 na iskor, sa Kapten I Wayan Dipta Stadium sa Bali, Indonesia.

Dahil dito, tabla na ang mga Team Filipinas sa Group A lead kasama ang North Korea, na naunang nanaig sa South Korea, na may score na 7-0.

Tanging ang nangungunang dalawang koponan sa bawat grupo ang uusad sa knockout semifinals.

#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *