Pilipinas – naghahanap daw ng trouble ayon sa China

Muling nagbabala ang China sa mga hakbang ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng joint patrols ng Philippine Air Force at ng US Pacific Air Force bilang bahagi ng 3rd Maritime Cooperative Activity.

Sa isang pahayag – sinabi ng Southern Theater Command ng China na gumagawa raw ng trouble ang Pilipinas at malinaw daw na hina-hype pa ito.

Kinundena ng China ang pagsasagawa ng patrols kasama ang mga ‘extraterritorial countries’ at di raw kabahagi sa rehyon.

Kung maaalala – Pilipinas naman na ang nanalo sa arbitral ruling pero patuloy pa ring iginigiit ng China na sila ang may sakop sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *