Comelec, pinag-iisipan na ang mas mabigat na penalty para sa mga hindi umaattend ng debate

Magpupulong ang Commission on Elections sa Miyerkules upang talakayin ang posibleng pagpapataw ng mas mabigat na sanctions laban sa mga kandidato na hindi umaattend sa mga debate na inoorganisa nito.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na nais ng Comelec na magpataw ng mas mabigat na parusa, ngunit hindi ito posible dahil sa kawalan nbatas para sa presidential at vice presidential debates.

Ayon kay Garcia, kung pwede lang sa batas ay nais ng Comelec na diskwalipikahin ang mga kandidato na hindi magpapakita sa mga debate na inorganisa ng poll body.

Noong Linggo ang ilang vice presidential candidate sa Comelec na magpataw ng mas mabigat na penalty laban sa tandem nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte dahil sa hindi pagpapakita sa debate ng poll body.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *