Pilipinas, nakakuha ng unang ginto sa Asian Age Group Championships

Nasungkit ng Pilipinas ang unang gintong medalya nito sa Asian Age Group Championships sa New Clark City noong Miyerkules.

Pinamunuan ng swimmer na si Jamesray Mishael Ajido ang boys 100-meter butterfly event matapos makapagtala ng 55.98 seconds.

Na-reset ni Ajido ang record ni Yu Xiang Wang ng China noong 2019 na 56.36 seconds.

Kasalukuyang may apat na medalya ang Pilipinas sa torneo, kung saan si Heather White ay nakakuha ng bronze sa girls 100-m butterfly event, at si Micaela Mojdeh na may isa pang bronze sa girls 200-m butterfly event.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *