Pilipinas, pinagtibay ang commitment sa WHO para sa pag kontrol ng tobacco

Pinagtibay ng Pilipinas ang commitment at pakikipag tulungan sa World Health Organization o WHO para sap ag kontrol ng pag gamit ng tobacco sa bansa.

Sa talumpati ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Dominic Guevara, na binasa ni Presidential Communications Office Assistant Secretary for Digital Media and Communications Patricia Kayle Martin sa 10th Conference of the Parties to the World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control sa Panama, binanggit nito na bumaba ang bilang ng mga gumagamit ng tabako mula sa 23.8 percent noong 2015 hanggang 19.5 percent noong 2021.

Bunga umano ito ng collective at balance approach, kaakibat ang whole-of-society at whole-of-nation approach sa pagsusulong at pagsasakatuparan ng epektibong mga patakaran at legislation.

Ipinagmalaki rin ng Pilipinas ang mga ipinasang batas, kabilang ang Republic Act No. 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, na nagtatatag ng regulatory framework para sa iba’t ibang aspeto ng tobacco products.

Dagdag pa, nakamit ng pamahalaan ang 3 bilyong dolyar mula sa excise tax ng tobacco at vapor products noong 2022, na ginamit para sa mga essential na serbisyo ng gobyerno tulad ng universal healthcare at COVID-19 recovery initiatives.

Bukod dito, nasa proseso na ang Pilipinas sa pagpapatibay ng batas na ‘Anti-Agricultural Economic Sabotage Act’ na nagdedeklara sa smuggling ng tobacco bilang economic sabotage.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *